Thursday, June 15, 2006

Line 1

matagal na akong di sumasakay sa LRT line 1. Nung huling napasakay ako sa line 1, token pa ang ginagamit at may non-aircon tren pa dun. tandang tanda ko pa... sa sobrang sikip ng nasakyan ko... nakalabas na ang katawan ko sa station platform, ung bag ko naipit pa sa loob ng sandamukal na taong nakasiksik sa tren.

kala ko may pag-babago na. wala nang token sa line 1. segregated na for male/female/senior citizens ang mga coaches. nag-chcheck na ng gamit para sa bomba. siguro naman wala nang overloading.

ANG ENGOT KO TALAGA.

sa sobrang pagod, naisipan kong mag-LRT line 1 para mabilis akong maka-uwi. Baka kasi pag nag-jeep ako, makatulog ako at makarating kung-saan.

sa pag-akyat palang nakita ko na ang GRABEng siksikan sa tren. naisip kong ok lang, ilang minuto lang naman, 5 stations away lang... kayang tiisin ang sikip.

pag-sakay palang mali na, nakapasok ako pero ang mga kasunod ko ipinilit isaksak ang katawan nila para makasakay. di na nagsara ang pinto... sabay pilit silang pumasok pa ng konti para di sumabit ang pwet nila at mka-sara ang pinto. (totoo to.)

alam nyo ba kung gano ka-sikip? ha?! HA?! BUMABA AKO after 2 stations palang ang nadaanan namin para HUMINGA lang ng ilang minuto sa station bago ako muling sumabak sa tren... (oh yes, feeling ko pag-baba ng lahat ng mga tao sa "end of the line" ilang katawan rin ang ma-ddskubre nila)

sa sobrang sikip:
may nakabuntis na sakin di ko pa rin alam.

sa sobrang sikip:
magkamag-anak na kaming lahat sa tren.

sa sobrang sikip:
nagka-TB, STDs at contact dermatitis na ko.

sa sobrang sikip:
pati mandurukot di kayang i-singit ang kamay nya para mag-nakaw.

PORKBUNporkbunPORKBUNporkbun!!!!!!!!!!!!!!!!!!
_ _ _ _ _ _

sayang UP Manila trip... di rin kami sinipot ng dr. Wala pa ring nangyayari sa research namin. Oh well. nag-bonding nalang kami sa RP (T, Anj, April) kulit rin pla... kawawa si T. hehehe

---kzs---

No comments:

Post a Comment